Home » Page 26
hesitant…
May 25, 2006hesitant ang mood ko kaninang umaga, papasok ba ako o hindi? pero i ended up to the bathroom… walang duda, papasok ako… hindi pa din ako nakakabawi ng tulog ng husto, three consecutive nights na akong puyat… three nights na akong pinupuyat nung pc na yun… alam ko motherboard ang sira pero baka magawan pa ng paraan, kaya hinugasan ko muna… hope maayos na siya mamaya pag-uwi ko, or else bibili ako ng bago… ouch!
time stamp was 8:20 when i arrived at my workplace… checked my email, ate pinoy waffle (kakaadik talaga pinoy waffle ni kuya dean), then blogged…
hay… magbibilang na naman ako ng oras para sa uwian… i have to go home early dahil magwowork-out pa ako… leave na lang ako tom ü
welcome to blog word….
ei mga katropa, kababayan, kadugo, kalahi, kabalikat sa kaunlaran…
matagal-tagal ko na ding pinangarap makagawa ng blog site at ngayon ko lang nasimulan, kailangan talaga ay may magbump lang sa akin para gawin na ang isang bigay… hindi naman sa tamad ako, pero parang hirap lang talaga ako sa simula…
pero ngayon na nasimulan ko na, well, ano pa ba ang gagawin kundi ang ituloy…
wala lang gusto ko lang ipakita yung ako sa pamamagitan nito na hindi ko maipakita sa mga pangkaraniwang araw o oras na nakakasalamuha ako ng mga taong nakakakilala sa akin… gusto ko din na maipakita kung sino ako sa mga taong di pa ako nakikilala at higit sa lahat gusto kong maipakita sa sarili ko ang tunay na ako… minsan kasi may mga tanong na "ako ba ito?", "ganito pala ako?"…
good luck sa akin…









