Home » Post Item » bzu bzu bzu
bzu bzu bzu
September 21, 2006Simula ngayon, idenedeklara ko ang araw na ito bilang pambansang araw ng pagkabadtrip. Wala itong kinalaman sa anibersaryo ng proclamation number 1081 that placed the entire Philippines under Martial Law during Marcos regime. Labas din dito ang mga kali-kaliwang coup and demonstrations sa Thailand, Taiwan and Hungary. Wala ring relasyon ang Israel-Lebanon war, ang pagkakatanggal ng hapones na si Jun sa Pinoy Dream Academy, ang pagkakadetine ni PCGG Chairman Camilo Sabio sa Senado o kahit ang pag-aaway nung dalawa naming kapitbahay.
O eh ano? Bakit? Ano bang nangyari?
Maganda naman kasi ang simula ng araw ko. Pangkaraniwang araw. Ngayon nga pala yung pagseset-up ng Globe Telecoms sa opisina. May promo kasi sila. Mga Globe Plans na unlimited texts and cheap calls exclusive sa mga empleyado ng Lucio Tan Group of Companies. May G-Flex Plan 800 ako, pinaconvert ko dun sa special offer nila. So may unlimited text na ako, anytime, anyday plus consumable P800.00. Sulit di ba? So masaya talaga ang araw na ito.
Pero bandang ala-singko, papauwi na ako, may tumawag, familiar na numero. Hindi siya numero sa Pinas. Yun yung numero ng agent ko sa Singapore. Kung okey lang ba na tawagan ako nung employer ng bandang ala-singko hanggang ala-sais. SIyempre, okey lang sa akin. Kahit kinakabahan ako. Kakayanin ko ito.
Tumuntong ang 5:30, walang tawag. 6:00, wala pa ding tawag. 6:30, baka hindi na iyon tatawag dahil pagabi na. Uwi na muna ako, baka bukas na siya tatawag. Dala-dala ang mabigat na kaba, umuwi na ako. SUmakay ako ng tricycle papunta sa LRT. Pero biglang nagring ang telepono ko, may tumatawag at walang nakarehistrong numero. Susme, heto yung hinhintay kong tawag. Kung kelan naman nasa tricycle ako saka siya tatawag. It's unfair. Ang tagal tagal ko naghintay sa opisina. Pero sinagot ko na din at nakiusap kung pupuwedeng tumawag ulit after fifteen minutes dahil nga nsa biyahe ako. Yan ang bad trip number one.
Kaya nagmamadali akong umakyat sa LRT at naghanap ng tahimik na lugar kung saan magkakaintindihan kami. Limang minuto na ang nababawas sa sinabi kong palugit na fifteen minutes. Sa Jollibee Baclaran sana pero sarado na. Ang aga nila magsara, six-thirty pa lang. Sa kabilang side ng Baclaran Station may isa pang Jollibee katapat ng Ever Plus Supermarket. Pero maingay. May pasilyo dun sa isang banda, tinahak ko yun at ang dulo ay isang escalator pababa. hindi karamihan ang tao, at medyo tahimik. Makakapag-usap kami dun ng maayos.
Naghintay ako. Five minutes. Ten minutes. Twenty Minutes. Thirty Minutes. Walang tawag. Sa loob ng tatlumpung minuto, umikot ang daigdig ko sa isang lobby na may sukat na 14×13 feet. Naghihintay ng tawag, nililibang ang sarili, nakapagrepkly sa mga IQ forwarded text na pinadala sa akin, nakatext ang ilang mga kaopisina at kaibigan, nakapaglaro ng Rally Pro, nakapagrestart ng naghang na telepono, naasar sa maiingay na bata sa escalator…. pero walang tawag. Bad trip number 2 yun ah.

(Wala itong kinalaman sa entry ko pero wag nyo akong pakialamanan)
Maayos kaya ang pagkakarinig nung nakausap ko na fifteen minutes at hindi fifty minutes? Kaya nung medyo nabuburyong na ako, naglakad na ako pabalik dun sa pasilyo at nakarating sa tapat ng Jollibee at Ever Plus Supermarket. Mabuti na lamang at nakahanap ako ng upuan. Doon ko pinagpatuloy yung paghihintay ko.
Isang oras na ang lumilipas. Nakaidlip na ako, nagtangkang bumili ng Zagu pero wala nang sago kaya huwag na lang. Ninasang kumain sa Jollibee pero maingay kasi sa loob ng Jollibee dahil malakas yung sounds nila, kaya nagkasya na lang ang mundo ko sa isang upuan. Hanggang sa magring muli ang telepono ko. Heto na yun.
Assuming na babaeng tunog Singaporean yung Siya na kausap ko.
Kriiiiiiiiing……
Ako : Hello! Hello!
Siya: Hello!
Ako : Hello?
Siya: Hello! Is this Endel?
Ako : Yes this is Angel! Hello?
Siya: Hello? Ah! Bzu bzu bzu bzu!
Ako : Hello? I'm sorry!
Siya: Bzu bzu bzu bzu.
(Nilipat ko sa loudspeaker mode ang telepono ko para maintindihan ko siya)
Ako : I'm sorry?
Siya: Bzzzzzuuuu bzzzzuuuu bzzzzuuuuuu
(Binalik ko sa handset mode dahil lalong di ko siya naintindihan)
Ako : I'm sorry I can't understand you!
Siya: Bzu bzu bzu bzu…
Ako : I'm so sorry.
Siya: Bzu bzu bzu call you again later! Ok Bye!
Ako : Wait! Ah ok. Thanks!
Yan ang badtrip number 3. Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit, basahin nyo na lang. Lol! Ang saya di ba? Ganun ba talaga siya, mahirap siyang intindihin? Paano ako papasa nyan! Hindi kami nagkakaintindihan. Kahit mura-murahin nya ako at mura-murahin ko saya, we will end up thanking each other in the end. Tsk! Tsk!
Kaya nagpasya na akong umuwi. Sumakay na ako ng LRT. Sabi naman nya tatawag siya ulit, wala akong pakialam kahit nasa LRT pa ako, kahit maingay sa loob ng tren tutal ganun din naman, hindi kami nagkakaintindihan. Mabuti na lang hindi tumawag at hindi na din ako nag-eexpect na tatawag pa ulit siya. Masyado nang maluho yun. Tingin ko maghahanap na lang siya ng iba! Bad trip! Ibig ba sabihin nito, ay give na ako sa programmer job abroad?
Hay. Get lost Bleue!
Previous Comments
Haaaay.. Kaasar nga iyan. Naghihintay ka tapos wala naman pala. Grrr… Haha!
Anyway, okay lang yan, I’m sure makakahanap ka pa ng ibang agency na maghi-hire sa iyo. Good luck!
grabeh, bleue. hindi ka naman masyadong malas.
pero sana, sana nga ma-employ ka. [tama ba?] sayang din yung oras na hinintay mo para sa tawag. edi sana, nakauwi ka na.
hay, pambansang araw ng pagkabadtrip.
Posted by yna at September 22, 2006, 7:50 pmhi, i found a new website that has unlimited text to all network not only that you can find new friends and chat with them, here’s the site http://www.txtmate.com/.
Posted by eda at January 8, 2010, 7:46 pm


































































hahahaha! eto yata ang pabirito ko so far sa mga ni-post mu… ikaw na ikaw haha! parang nadidinig ko boses mu na nagkukwento habang nibabasa ko itu haha!
nyak, seryoso bang ahente yan? madami pang ibang ahente sa singapore… hanap ka ng iba habang naghihintay ka sa kanya… or better yet - to hell with that agency noh! duh, magaling ka nman, nde mu kelangan na magput-up sa ganyang hirap… maraming mga jobs dun na magkakandarapa sau once na makita nila ang credentials mu
keep cool at enjoy life pre… ehehehe… ska pla hinga ng malalim… isep-isep kun anu talaga ang gus2 mu mangyari sa buhay… and anu man ang maisep mu, im sure magiging successful ka dun - KAW PA!
Posted by suzie at September 22, 2006, 11:18 am